Sa panahon ngayon, mas pinipili na ng maraming Pilipino ang home service blood collection dahil ito ay mas maginhawa, mas ligtas, at mas tipid sa oras. Hindi mo na kailangang pumila sa laboratoryo o bumiyahe lalo na kung ikaw ay abala, may sakit, o may kasamang matatanda sa bahay.
Ang home service blood extraction ay erbisyo kung saan pumupunta ang-lisensyadong medical professional sa inyong tahanan upang kumuha ng dugo para sa laboratory tests.
Ano ang Home Service Blood Collection?
Ang home service blood collection ay isang serbisyong pangkalusugan kung saan ang dugo ay kinukuha sa mismong bahay ng pasyente. Ginagawa ito ng magaling at Lisensyadong medidical staff gamit ang sterile at kumpletong kagamitan, katulad ng nasa laboratoryo.
Bakit Mas Pinipili ng Marami ang Home Service Blood Extraction?
Narito ang mga karaniwang dahilan kung bakit hinahanap ito online ng mga tao:
- Ayaw pumila at maghintay sa laboratory
- May sakit o mahina ang katawan
- May kasamang senior citizen o bata
- Abala sa trabaho o negosyo
- Gusto ng mas pribado at komportableng serbisyo

Mga Karaniwang Tanong ng mga Tao (FAQs)
Ligtas ba ang home service blood collection?
Oo. Gumagamit ang aming mga staff ng malinis, isang gamitan na karayom at ibang gamit pang kuha ng dugo. Sinusunod ang tamang infection control at safety protocols.
Sino ang kumukuha ng dugo?
Ang pagkuha ng dugo ay ginagawa ng lisensyadong medical technologist na may sapat na training at karanasan.
Anong mga laboratory test ang puwedeng gawin sa bahay?
Karaniwang tests na puwedeng kunan ng dugo sa bahay:
- CBC
- FBS / RBS
- Lipid Profile
- HbA1c
- Creatinine at Uric Acid
- SGPT / SGOT
- Electrolytes
- Thyroid tests
At marami pang iba
Kailangan bang mag-fasting?
Depende sa test. Halimbawa:
- FBS at Lipid Profile – kailangan ng 8–10 oras na fasting
- CBC at RBS – hindi kailangan ng fasting
- If kailangan ng fasting ang iyong test, maaaring mahanap ito sa aming website sa ibaba ng patient preparation.
Paano makukuha ang resulta?
Ang resulta ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng:
- ang iyong resulta ay ipapadala sa inyong Email address.
Magkano ang home service blood collection?
Nagkakaiba ang presyo depende sa:
- Uri ng laboratory test
- maaaring makalibre ng bayad sa home service fee para sa mga laboratory test na hihigit sa 1800 pesos
- ang mga laboratory test na mababa sa 1800 pesos ay magkakaroon ng bayad na 299 pesos.
Sino ang Pinaka-Bagay sa Home Service Blood Collection?
Ang serbisyong ito ay ideal para sa:
- Senior citizens
- Bed-ridden patients
- Pregnant women
- Mga taong may diabetes o hypertension
- Busy professionals
- Bata o may takot sa laboratory setting
Magpa-Schedule ng Home Service Blood Extraction?
Madali lang:
- Maaaring pumunta sa aming website klaro. Ph
- Hanapin ang laboratory test na kailangan
- Pumili ng petsa at oras
- Magbayad sa pamamagitan ng online.
- Darating ang aming medical staff sa inyong tahanan para kumuha ng laboratory test.
- Kapag nahihirapan pumunta sa aking website. Pwedeng mag upload ng doctors request at tutulungan kayo ng aming mga medtech sa inyong mga laboratory tests.
Alagaan ang Kalusugan, Nasa Bahay Ka Lang
Hindi kailangang isakripisyo ang kalusugan dahil lang sa kakulangan ng oras. Sa home service blood collection, dala namin ang laboratoryo sa inyong tahanan—ligtas, maaasahan, at propesyonal.
Makipag-ugnayan sa amin ngayon at magpa-schedule na!

